MENU

GABAY PANGKALIGTASAN SA PAGSAKAY SA PNR TRAIN

  1. Ugaliin po nating humawak sa mga safety hand rails.

  2. Iwasan ang sumandal at humawak sa mag-kabilang pintuan sa tuwing ito ay mag-bubukas at mag-sasara.

  3. Huwag pipigilan ang pag-sasara ng tren nang makaiwas sa pagka-ipit sa pinto. Huwag din bubuksan ang mga pintuan habang umaandar ang tren, tanging pinahihintulutang train personnel lamang ang maaring gumawa nito.

  4. Ingatan po ang inyong mga personal na gamit tulad ng cellphone, bag at wallet.

  5. Ingatan po ang inyong ticket dahil ito ay kukunin sa paglabas ng istasyon, ang pag-kawala po o sadyang walang ticket ay may kaukulang penalty.

  6. Ingatan po ang inyong mga daladalahan at mga bagahe. Wala pong pananagutan ang kumpanya sa pagkawala ng inyong kagamitan o bagahe.

  7. Maging mapag matyag sa paligid upang makaiwas sa mga taong mapagsamantala.

  8. Kung may napupuna na kahina-hinalang tao o bagahe, ipagbigay alam agad sa train marshal o konduktor sa tren.

  9. Iwasan din po ang malalakas na pag-uusap sa loob ng tren bilang pagbigay galang sa ating kapwa pasahero.

  10. Pagkababa ng tren mag-ingat sa pag-tawid sa riles, siguraduhing walang paparating na tren.

  11. Sa panahon ng aberya sa tren tulad ng shutdown, mechanical problem o pagka-diskaril, maging mahinahon po tayo at makinig sa gabay na sasabihin ng principal konduktor at ipapatupad ng train personnel. Iwasang magtulakan at maging maingat sa pag-labas ng tren kung kinakailangan at pinapahintulutan na ng train konduktor.

    Inaasahan po ng PNR ang inyong pag-sunod sa mga gabay na ito at hangad ng PNR ang inyong ligtas na paglalakbay.